Talking About Ikaklit With Miss Det Neri

Ikaklit Interview

An Interview with the Author

On the last leg of the “Ikaklit sa Aming Hardin” blog tour, I was able to ask Miss Det Neri some of the questions that bloomed in my head while reading the book. Without further ado, here is the interview with Ikaklit’s nanay on this side of the page:

Titser!: Hi Miss Det! Thank you for agreeing to answer questions and thank you for writing this story.

Miss Det: Maraming salamat sa iyong interes sa “Ang Ikaklit sa Aming Hardin.”

Titser!: Walang anuman, Miss Det. As someone who has just started writing for children, I’m curious about the creative process behind Ikaklit. How did the idea for it come to you?

Miss Det: Hindi ko alam kung pare-pareho ang pananaw ng mga manunulat pero para sa akin, masalimuot na bagay ang pagtalakay sa malikhaing proseso ng pag-akda lalo na kung ang awtor mismo ang magsisiwalat nito. Hindi dahil para itong secret recipe na hindi maaaring ilantad sa publiko kundi dahil may mga bagay na hirap akong ipaliwanag sapagkat nasa yugto pa ako ng pagtuklas, tulad sa aking panulat. Kaya sa ngayon, ang maibabahagi ko pa lamang ay ang ilang salik na nakaimpluwensiya sa aking pagkatha (partikular sa “Ang Ikaklit sa Aming Hardin”).

Isa ang Ikaklit sa kuleksiyon ng mga kuwentong lesbiyana na bahagi ng aking tesis masteral na “Naratibô: Pagkatha Bilang Pagtatala ng Lesbiyanang Gunita” (2009). Tinangka ko ritong magtampok ng iba’t ibang imahen ng mga lesbiyana na labas sa karaniwang negatibo at pusikit na paglalarawan sa mga babaeng homoseksuwal. Isa sa mga nais kong itanghal ay ang kapasidad ng mga tibô na magmahal at bumuo ng pamilya.

Siyempre, ang pinakamainam na magbigay ng testimonya hinggil sa pagiging magulang ng mga lesbiyana ay ang kanilang anak. Iyon ang dahilan kung bakit nagpasya akong isulat ang kuwento mula sa perspektiba ni Ikaklit, ang batang may dalawang nanay.

flower

Titser!: Most children’s stories I’ve read in the local book scene have everyday non-specific settings, but Ikaklit quite strongly roots itself in Baguio. Is there a particular reason for this?

Miss Det: Bagaman partikular kong tinututukan ang mga isyung pangkasarian at seksuwaliad, tinitiyak kong bahagi ng aking pagsusulat ang pagtatampok ng mga usaping may kinalaman sa ating kultura at kasaysayan. Para sa akin, esensiyal na mabigyan ng lokal na konteksto ang isang paksa upang maging mas malapit ito sa karanasan ng mga mambabasang Pilipino. Kaya habang natatalakay ang isang unibersal na tema (sa kaso ng Ikaklit ay pagmamahal at pamilya), nakatutulong din ang kuwento sa pagpapakilala at paggigiit ng ating identidad bilang isang lahi.

May tatlong salik na nakaimpluwensiya sa naging pagpili ko sa Baguio bilang espasyo ng kuwento:

A. Malapit ang Baguio sa akin dahil dito ko nakilala ang komunidad na unang tumanggap sa akin bilang isang tibô/lesbiyana. Napakahalaga niyon dahil lumaki ako sa isang liblib at konserbatibong lugar na nagsasantabi sa mga tulad kong homoseksuwal. Gayon man, marami pa ring uri ng diskriminasyon ang nagaganap maging sa mga tinaguriang “LGBT friendly space” katulad ng Baguio. (Eh paano pa sa mga lugar unfriendly sa hindi heteroseksuwal?) Ang punto ay lohikal ang pag-iral ng pamilya nina Ikaklit sa lugar na katulad ng Baguio.

B. Ligaw na halaman lang at makikita kung saan-saan sa Baguio ang paborito kong ikaklit o sunflower, na siyang napili kong maging tampok na bulaklak sa imahen ng hardin sa kuwento. Importante sa naratibong ito ang mga katangian ng ikaklit partikular sa “pagkakaroon molde o padron na pinaparisan.” Halimbawa, sunflower ang ngalan ng bulaklak dahil sa pisikal na pagkakatulad nito sa itsura ng araw, at tumitingala/sumusunod din ito sa araw. Ang konsepto ng pagparis o pagsunod ang siyang ubod ng prosesong sosyalisasyon o ang pagpapasa ng kamulatan mula sa isang henerasyon tungo sa kasunod, na nagsisimula sa loob ng pamilya. Ginamit ko ang gayong talinghaga para tukuyin ang dakilang tungkulin ng mga magulang (araw) sa kanilang mga anak (sunflower/bulaklak). At tulad lipunan natin ang senaryo sa Baguio, napakaraming Ikaklit ang nangangailangan ng wastong paggabay ng araw (Nay Lilia at Nay Daisy).

C. Kalahok ako sa (una’t huling) Tamaraw’s National Writeshop on Children’s Story noong Abril 2006. Pagkatapos ng aktuwal na palihan, pinapili ang mga fellow kung irerebisa namin ang entry piece na isinalang sa workshop o kung gagawa kami ng bagong kuwento na naka-set sa Baguio, ang lugar kung saan ginanap ang workshop. Pinili kong magsulat ng bagong akda kaya naman noong Abril 7, 2006, ipinanganak ang kuwento ni Ikaklit. =)

flower
Titser!
: In the story, you likened family to a garden. Ikaklit and her mothers in particular are named after flowers. So I looked at that as an extension of the garden metaphor. They could very well be herbs or vegetables, but you chose a sunflower, a lily, and a daisy to portray them. I guess what I’m getting at is that it runs counter to the common portrayal of lesbian women in Filipino pop culture. It’s Showtime’s That’s My Tomboy, for example, is very revealing of the expectation of the tomboy or the tibô as a woman aspiring to be masculine. And I think, you know, this is what makes Ikaklit unique and powerful. What were you trying to put across with this metaphor?

Miss Det: Sinadya ko talaga na gawing sentral na imahen ang hardin dahil taglay nito ang parehong suliranin at mga sangkap na kailangan sa pagbuo ng matatag na pamilya o anumang ugnayan: pagmamahal, pag-aaruga, pang-unawa, at pagpaparaya.

Napakasensitibo ng pagtubo ng mga buto (bata/pamilya/ugnayan) dahil laging nakabanta ang pagkatuyo at/o pagkalunod na dagdag pa sa pang-aagaw ng sustansiya ng mga nakapaligid na damo. Bagaman kailangan ng tubig at ng sikat ng araw (hal. pagmamahal, pag-aaruga), ang labis na pagbibigay ng mga nito ay nakatutuyo o nalulunod din sa pananim. Dito pumapasok ang pang-unawa at pagpaparaya dahil bagaman kailangan ng halaman ng tulong at gabay (lalo na sa simula), kapag matatag na ang pagkakakapit ng mga ugat nito sa lupa ay kailangan ding igalang na pagkakaroon nito ng kapasidad na mabuhay sa sarili (photosynthesis) nang may laya at kapasyahan.

ikaklity

Tama ka, Sue, na sinadya kong maging hardin ito ng mga bulaklak (kaysa iba pang halaman). Bagaman palasak nang gamitin ang bulaklak bilang metapora ng babae (hal. maganda, mahinhin, pasibo, atbp.), pinili ko pa rin ito sa kaso ng Ikaklit para maghain ng bagong kahulugan at upang tuligsain ang dalawang matingkad na estereotipo sa mga babae/bulaklak:

  1. Kailangang masculine ang babaeng homoseksuwal. Nais kong ipakita na may kapasidad ang babae na magmahal ng kapwa niya babae, at hindi lang ito limitado sa mga babaeng “masculine” ang napiling form of expression. Maraming anyo ng pagpapahayag ng sarili. Kasingdami ito ng mga personalidad at ng mga indibidwal. Gayon din ang seksuwalidad. Hindi iisa ang mukha ng pagiging lesbiyana. May mga tomboy na masculine pero mayroon ding mga tibông feminine (tulad ko). Mayroon ding mga androgynous at napakarami pang ibang uri ng ekspresyon. Ang punto, kailangang kumawala sa mga estereotipong nilikha/nililikha ng popular na kultura; at
  2. Default ang role play sa mga romantikong ugnayan. Tangka kong ipamalas na hindi lahat ng relasyon ay mayroon o nangangailangan ng role playing, regardless kung heteroseksuwal o homoseksuwal na ugnayan pa iyan. Ang isinusulong na mensahe ay ang kapasidad na gumampan ng sinoman sa mga tungkuling pampamilya/relasyon, at hindi dapat ito nahahadlangan ng kasarian o kaya’y seksuwalidad.

Kung babasahin ang kuwento, pangalan (bulaklak) lang ang iniwan kong pahiwatig o clue para dito. Pero na-reinforce ang ideya sa pamamagitan ng mga larawang nilikha ni CJ, at natutuwa ako na ang interpretasyon niya ay tumutugma sa hiniraya kong imahen ng pamilya ni Ikaklit. 🙂

flower

Titser!: There are four of you who collaborated on the book and all of you are women. (Yay, girl power!) Can you give us readers and aspiring writers an idea of how you cooked up this collaboration?

Miss Det: Nagkataon lang talaga na puro babae kami. Ang totoo, noong 2009 ang kaibigan kong lalaki ang nagboluntaryong gumuhit para sa Ikaklit. Hindi ito natuloy dahil nadestino siya sa isang uri ng trabaho kumakain ng halos lahat ng kaniyang oras. Taong 2011 ko nakilala nang personal si CJ. Nagpadala siya ng personal na mensahe na nagboboluntaryo siyang gawin ang proyekto dahil naniniwala siya sa merito ng kuwento (Ipinabasa raw kasi ito sa kanila sa isang klase sa Panitikan ng Pilipinas.).

Listen to CJ de Silva talk about the book:

Nagpaunlak naman si Ate Jeni (Jennifer del Rosario Malonzo) na magsalin matapos din niyang basahin ang akda. Samantala, si Ate Poti (Jennifer Padilla Quintos) ay nakasama ko na sa ibang proyektong aklat at komiks kaya siya ang unang layout artist na naisip ko nang magdesisyon akong i-self publish ang Ikaklit. Pumayag si Ate Poti dahil, ayon sa kaniya, nakapanghihinayang kung hindi mailalabas ang kuwento ni Ikaklit at kung hindi ito magiging accessible sa mga bata at sa publiko.

Ate Jeni and Ate Poti share their thoughts on Ikaklit in the following videos:

Sa totoo lang, magkakalayo ang mga mundo/trabaho namin, at nagkaroon lang ako ng mga hiwalay na pulong sa kanila. Sa katunayan, unang nabuo o sabay-sabay na nagkita nang personal ang grupo sa mismong paglulungsad-aklat noong Setyembre 13, 2012. Pero bago pa iyon, nagkatagpo-tagpo na kami sa pamamagitan ng pagkilala sa isang partikular na pangangailangan (pagsasaaklat ng mga kuwentong katulad ng Ikaklit) at ng sari-sarili naming pasya na ibahagi ang aming talento/kaalaman sa pagtugon sa pangangailangang iyon.

flower

Titser!: Another aspect to Ikaklit that got me really excited was its “indie” publishing. When I read the author’s bio and learned that this was your first book, I thought you were very brave to publish this independent of traditional publishing. Why did you choose this route? What is the experience like? What advice would you give to other children’s writers out there about publishing their stories?

Miss Det: Sa totoo lang, hindi 2012 unang nailathala ang kuwentong “Ang Ikaklit sa Aming Hardin.” Napasama ito sa antolohiyang Bul-ol: The First Tamaraw Anthology of Short Stories for Children (2006) at sa LAGDA, ang opisyal na journal ng UP Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas, noong 2009. Pero dahil may pagka-OC ako pagdating sa aking mga akda, hindi ako mapakali na hindi ito mailimbag-limbag sa disenyong naisip ko noong isinusulat ko ang kuwento— bilang picture book. Ibig sabihin kasi niyo’y hindi pa ito maa-appreciate basahin ng kalakhan ng mga batang nasa edad 12 pababa (dahil puro teksto lamang). Kung gayo’y hindi pa ito nakararating sa aking intended readers.

Inilapit ko naman ang kuwento sa mga publication house na kilala sa paglilimbag ng mga aklat-pambata, pero iyon nga, mukhang hindi pa sila handa. Kaya naman nagpasya na akong mag-ipon at mag-self publish upang matugunan ang hinihiling na anyo (illustrated children’s book) ng kuwentong “Ang Ikaklit sa Aming Hardin.”

Pero naisakatuparan lang ang paglilimbag dahil sa kurso ng anim na taon kong pag-iipon ay pinalad akong makatagpo ng mga taong tulad kong may pagmamahal sa kuwento ni Ikaklit, at handang magbahagi ng kanilang talento at panahon para maisakatuparan ang pagsasaaklat nito. Bukod kina CJ, Ate Jeni, at Ate Poti, mahalaga rin ang naiambag ni Sharon Anne Briones Pangilinan sa pagiging kritiko at tagapayo sa buong proseso. Gayundin si Mang Ciloy Melgar ng Raintree Publishing na nagbigay ng discount at libreng Ikaklit bookmarks dahil naniniwala sila sa proyekto. Kung wala sila, siguro ay nag-iipon pa rin ako ng pampalimbag ng Ikaklit. Haha!

Maraming itinuro ang karanasan ko sa pag-self publish ng “Ang Ikaklit sa Aming Hardin.” Natutuhan ko ang mga teknikal na proseso ng pagbabadyet at paglilimbag. Lalo ring naging kongkreto sa akin ang kapangyarihan ng kolektibo at masining na kolaborasyon sa pagsasakatuparan ng isang makabuluhang proyekto at layunin. At higit sa lahat, nakilala ko ang mas malalim na mukha ng disiplina sa sining at komitment bilang manunulat. Ang pagtatapos ng isang akda ay hindi nagaganap sa sandali ng paglalagay ng huling bantas sa pahina, bagkus sa pagtiyak na makararating ito sa ating mga mambabasa.

Miss Det Neri also talks about Ikaklit here:


flower

Join the raffle for a chance to win a signed copy of the book and a DVD.

Advertisements

2 thoughts on “Talking About Ikaklit With Miss Det Neri

  1. Pingback: Ang Ikaklit sa Aming Hardin Blog Tour | Xi Zuq's Nook

  2. Pingback: Book in the Mail Unwrapped: Janus Silang at Ang Tiyanak ng Tábon | Titser, Titser!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s